Sunday, August 12, 2018

Ritual Para Mas Lalong Tumindi ang Pag-iibigan


Para lalo tumindi ang pagmamahalan ng mag-sing irog, kumuha ng buhok niya
at itali sa pink ribbon.

Magsindi ng tatlo (3) pink na kandila at ilagay ang buhok sa inuka na mansanas, lagyan ng kaunting dinurog na cinnamon, pito (7) talulot ng rosas at buhok mo sa natali sa puting ribbon.

Kunin ang mansanas ipadaan ang mansanas sa ibabaw ng apoy sa bawat kandila (3 pink na kandila) habang nakikinita mo ang iyong sarili at ang iyong mahal na magkasama.

Isalarawan sa isipan ang mga sarili habang ipinadadaan mo ang mansanas sa mga kandila.

Ibalot ang mansanas sa puting damit (tela) . Pagkatapos ay ilibing sa ilalim ng bintana kung saan ka natutulog. Palalakasin niya ang inyong pagsasama.


ITUON kung ano ang iyong gusto, isipin na ikaw ay meron nito. Isagawa ito mula sa lugar ng positibong hangarin.